Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Maraming salamat sa lokal na pamahalaan ng Bambang, Nueva Vizcaya para sa ibinigay ninyong mga gulay para sa QCitizen TODA drivers at operators!
Daan-daang kilo ng kamatis, talong, at repolyo ang idinonate ng munisipalidad sa Quezon City, sa pakikipagtulungan sa Mayors for Good Governance (M4GG) at Kaya Natin.
Malugod na tinanggap ni Social Services Development Department (SSDD) OIC Lorelei Salvador ang mga donasyon mula kay Bambang Mayor Jamie Cuaresma III.
Bukod sa mga gulay mula sa Nueva Vizcaya, nagpaabot din ng 350 kilo ng kamatis ang opisina ni Sen. Kiko Pangilinan.
Ipinamahagi ang mga ito sa mga TODA driver sa iba-ibang barangay sa lungsod.








