Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pamamahagi ng Gulay sa Payatas ![]()
Namahagi ng isang toneladang repolyo ang tanggapan ni Senator Loren Legarda, katuwang ang Rural Rising Philippines at Pusong Ama Foundation sa mga QCitizen sa Barangay Payatas.
Layunin ng inisyatibong ito na masuportahan ang mga pamilyang nangangailangan sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang pagkain at suporta.
Malugod namang tinanggap ang nasabing tulong nina District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte, at Fr. Paul Uwemodimo ng Pusong Ama Foundation.
Taos-pusong pasasalamat kay Senator Loren Legarda at sa lahat ng katuwang na organisasyon.










