Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Dumating na sa City Hall ang panibagong batch ng mga gulay na binili ng Pamahalaang Lungsod Quezon mula sa Atok, Benguet ngayong Huwebes.
Ipamamahagi ito sa mga miyembro ng QC TODA at mga pamilyang tinutugunan ng Social Services Development Department tulad ng feeding programs,mga naapektuhan ng sunog at mga ina ng mga batang kabilang sa QC Kabahagi Center for Children with Disabilities.









