Pinasinayaan ngayong araw ang Vendor Business School exhibit sa lobby ng Quezon City Hall.
Naka-detalye sa exhibit kung paano nabuo ang VBS, ano ang layunin nito, at kung paano nito natulungan ang mga may-ari ng maliliit na negosyo.
Inilunsad sa QC ang VBS noong Pebrero, na programa ng lungsod sa pakikipagtulungan sa Consultative Group for International Agricultural Research Resilient Cities Project.
Nakatakdang magtapos ang 108 QCitizens sa programa. Sumailalim sila sa training, coaching, at mentoring kada linggo sa loob ng 10 weeks.