Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Congratulations sa graduates ng Quezon City Vendor Business School (VBS) program!
Ngayong Huwebes, 176 QCitizen vendors ang nagtapos sa 10-linggong programa.
Tinuturuan sila ng iba-ibang paksa na magagamit nila sa pagpapalago ng kanilang negosyo gaya ng business record-keeping, sales growth strategies, at customer relations.
Sa kanyang mensahe, kinilala ni Mayor Joy Belmonte ang graduates na nagpursigeng matapos ang modules ng VBS, habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa kanilang tahanan at kabuhayan.
Hinikayat din niya ang mga vendor na makilahok sa iba pang programa ng lokal na pamahalaan upang matulungan silang mas mapaunlad ang kanilang negosyo at maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay.










