Pagbati, VBS Graduates!
Umabot sa 108 na QCitizen market vendors ang nagsipagtapos sa kauna-unahang Vendor Business School (VBS) sa bansa na proyekto ng Quezon City Government at CGIAR Resilient Cities.
Personal na ipinamahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga certificate of completion ng mga vendor na unang batch ng VBS.
Layon ng anim na buwang training workshops na mapaigting pa ang kakayahan ng mga vendors sa kanilang pagnenegosyo, food safety, market technology, financial literacy, at ang tamang nutrisyon sa kanilang produkto.
Dumalo rin sa graduation rights sina Coun. Candy Medina, Coun. Vic Bernardo, Market Development and Administration head PCol. Alex Alberto, Food Security Task Force Co-Chair Emmanuel Velasco, Barangay Talipapa P/B Atty. Eric Juan, Quezon City University President Dr. Tere Atienza, CGIAR Co-Lead Dr. Silvia Alonso, CGIAR Resilient Cities Senior Advisor Dr. Gordon Plain, at CGIAR Resilient Cities PH Focal Person Arma Bertuso.