Ipinaliwanag ng Housing Community Development And Resettlement Department (HCDRD) ang planong pagtatayo ng vertical housing buildings bilang permanenteng pabahay sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa NIA Road.
Batay sa ulat ng HCDRD, magtatayo ng 12 to 15 storey vertical housing buildings sa lugar na may kabuuang 2,250 units na layong matapos sa Disyembre 2027.
Habang ginagawa ang housing buildings ay magpapaabot ang lokal na pamahalaan at national government agencies ng rental subsidy upang tulungan ang mga pamilya sa pangungupahan.
Dumalo sa pulong sina HCDRD head Atty. Jojo Conejero, District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, QC Disaster Risk Reduction and Management Office head Bianca Perez, Barangay Pinyahan P/B Ric Villaflor, at mga kawani ng National Housing Authority.








