Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang pagtanggap sa mga miyembro ng Vice Mayor’s League of the Philippines (VMLP) – Benguet Chapter na bumisita sa Lungsod Quezon ngayong araw.
Layon ng kanilang benchmarking activity ang matutunan ang mga best practices at mga programa ng lungsod partikular na ang QC Department of Sanitation and Cleanup Works.
Kasama ring sumalubong sa kanila si Councilor Egay Yap. Pinangunahan naman ni VMLP-Benguet President at La Trinidad-Benguet Vice Mayor Roderick Awingan ang kanilang delegasyon.




