Bukas na para sa mga QCitizen ng Villa Verde, Barangay Sta. Monica ang Villa Verde Park sa Rojo street.
Mayroon itong playground, gazebo, concrete benches, at handwash area para sa mga nais mamasyal, maglaro, at mag-ehersisyo sa parke.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang inauguration ceremony ng pasyalan, kasama sina District 5 Rep. PM Vargas, District 5 Action Officer William Bawag, ACA for General Affairs Rene Grapilon, Atty. Zandy Zacate ng Infrastructure Committee, Barangay Sta. Monica chairperson Nelson Alcantara, at Villa Verde HOA President Eloisa Balajonda.