PAGBATI, MAYOR JOY!
Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang Visionary Vanguard Award mula sa Seagulls Flock Organization (SFO) sa closing ceremony ng 2nd International Conference on Responsible Gambling and Gaming Addiction.
Iginawad sa Alkalde ang kauna-unahang award ng SFO dahil sa kanyang adbokasyang isulong ang mga programang tumutugon sa mental health, recovery, at inclusive community development sa Lungsod Quezon.
Muling nagsilbing host city ang lungsod ng conference na tumalakay sa mga isyu ng gambling and gaming addictions.
Katuwang ng Lokal na Pamahalaan ang SFO, Philippine Amusement and Gaming Corporation, at International Gambling Counselor Certification Board sa idinaos na 3-day summit.




