Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagtipon ang mahigit 500 volunteers sa isinagawang General Assembly ng Quezon City Social Services Development Department (SSDD).
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni SSDD OIC Lorelei M. Salvador ang mga volunteer na ipagpatuloy ang kanilang tapat na paglilingkod bilang mahalagang katuwang ng lungsod sa pag-aabot ng serbisyo sa mga QCitizen.
Tinalakay sa assembly ang mga naging accomplishment ng bawat distrito, kasabay ng pagkilala at pagpaparangal sa mga volunteer para sa kanilang patuloy na serbisyo sa lungsod.
Dumalo rin sina SSDD Social Welfare Officer IV at Acting Division Head Janet Duque, SSDD Social Welfare Officer II Lorlyn Sorita, at iba pang kawani ng SSDD.








