Aktibong nakibahagi ang lokal na pamahalaan sa isinagawang Voter Education lecture at automated counting machine (ACM) demonstration ng Commission on Election (Comelec) ngayong araw sa MICE Center.

Nilahukan ito ng mga kawani ng iba-ibang distrito ng lungsod.

Layon ng ahensya na ma-demonstrate ang bagong features ng ACM, magbigay ng first-hand voting experience, at mag-conduct ng voter education kabilang na ang tamang pag-fill up ng mga balota at paggamit ng ACM.

Dumalo sa aktibidad sina Chief of Staff Rowena Macatao, District 5 Rep. PM Vargas, District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, at councilors Irene Belmonte, Banjo Pilar at Vic Bernardo.