Tapos nang bumoto si Mayor Joy Belmonte, ang kanyang asawang si Ray Alimurung, at former House Speaker Sonny Belmonte sa Christ The King Parish, Brgy. Kristong Hari, Quezon City.

Hinihikayat ng alkalde na bumoto ang lahat ng residente ng lungsod dahil ito ay kanilang karapatan.

Ang mga presinto ay bukas hanggang 3:00PM ngayong araw. Mayroon ding itinalagang pila para sa mga Senior Citizen at Persons with Disability sa bawat presinto.

#BSKE2023