WALANG GUTOM COOK-OFF CHALLENGE SA QC! ![]()
![]()
Nakiisa sina Mayor Joy Belmonte, First Lady Louise Araneta Marcos, at Secretary Rex Gatchalian sa Walang Gutom Kusinero: Cook-Off Challenge 2026 National Finals na pinangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa MICE Center ng City Hall.
Nagharap sa Cook-Off finals ang 12 regional champions na mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program mula sa iba-ibang rehiyon sa bansa.
Layunin ng patimpalak na mahikayat ang mga benepisyaryo na maghanda ng masustansya, masarap, at abot-kayang pagkain para sa kanilang pamilya.
Bahagi rin ng programa ang Food Redemption Activity kung saan maaaring bumili ang mga benepisyaryo ng mga masustansyang rekado at pagkain gamit ang kanilang Electronic Benefit Transfer Card mula sa DSWD.
Nagbahagi naman ng kani-kanilang pagsuporta sa programa sina Manila City Vice Mayor Chi Atienza, World Food Programme Deputy Country Director Jaeyoung Lee, Monde Nissin Corp. Public Affairs head Marc Alejo, ISSI Corporation Rep. Garby Dimalanta, TESDA Training Administrator Edmar Blanco, Mcdonald’s Corporation Public Affairs Senior Manager Augustine Torres.










