#WALANGPASOK AFTERNOON CLASSES| Dahil sa epekto ng masamang panahon dulot ng hanging Habagat, na mas mararamdaman pagdating ng hapon, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) na suspendido ang pasok sa PANGHAPONG KLASE sa mga PAMPUBLIKONG PAARALAN mula Child Development Centers, Kindergarten, Grades 1 – 12, at Alternative Learning System (ALS) sa Quezon City ngayong araw, BIYERNES, SEPTEMBER 5, 2025.
Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nakabatay sa pasya ng pamunuan ng eskwelahan. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral, hinihikayat ang pagsunod sa national o localized suspension.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.




