#WALANGPASOK | Dahil sa inaasahang patuloy na sama ng panahon dulot ng shearline, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ang suspensyon ng face-to-face classes para sa PANGHAPON NA KLASE sa mga pampublikong paaralan sa Quezon City ngayong araw, November 25, 2025 (Martes):
• Child Development Centers
• Kindergarten
• Grades 1-12
• Alternative Learning System
Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masiguro ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nakabatay sa pasya ng pamunuan ng eskwelahan. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral, hinihikayat ang pagsunod sa national o localized suspension.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.




