#WALANGPASOK |Base sa anunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG), suspendido ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa buong Metro Manila bukas, Hulyo 22, 2025 (Martes), dahil sa patuloy na sama ng panahon dulot ng #Habagat.
Patuloy namang kikilos at maghahatid ng serbisyong medikal, law enforcement, traffic management, disaster at emergency response at iba pang essential services ang mga ahensiya ng QC Government.
Ipinauubaya rin sa pamunuan ng mga pribadong kumpanya at opisina ang desisyon kung sususpendihin ang kanilang mga operasyon.
Mag-ingat po tayong lahat, QCitizens!
