#WALANGPASOK | Base sa Memorandum Circular No. 93 s. 2025 mula sa Malacañang, suspendido ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa buong Metro Manila bukas, July 25, 2025, Biyernes, dahil sa patuloy na sama ng panahon dulot ng #Habagat, Bagyong #EmongPH at Bagyong #DantePH
Gayunpaman, tuloy ang operasyon ng mga ahensya ng gobyerno na naghahatid ng serbisyong medikal, disaster at emergency response, at iba pang vital services.
Ang mga empleyado sa non-vital government offices ay sasailalim sa alternative work arrangements o skeletal workforce, ayon sa patakaran ng kani-kanilang ahensya.
Ang suspensyon naman ng trabaho sa mga pribadong kompanya at opisina ay nakasalalay sa kanilang pamunuan.
Mag-ingat po tayong lahat, QCitizens!
Source:
Official Gazette of the Republic of the Philippines:
https://www.facebook.com/share/p/16MzZjjWwd/
