#WALANGPASOK | Dahil sa inaasahang masamang lagay ng panahon dulot ng #Habagat at sa YELLOW Heavy Rainfall Advisory ng PAGASA, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang suspensyon ng face-to-face classes sa mga PAMPUBLIKONG PAARALAN sa Quezon City bukas, August 7, 2026 (Biyernes).
• Child Development Centers
• Kindergarten
• Grades 1-12
• Alternative Learning System
Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masiguro ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nakabatay sa pasya ng pamunuan ng eskwelahan. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral, hinihikayat ang pagsunod sa national o localized suspension.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.






