#WALANGPASOK | Dahil sa malakas na pag-ulan at banta ng pagbaha dulot ng hanging Habagat, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ang suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City bukas, Martes, Hulyo 22, 2025.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.
