#WALANGPASOK | Dahil sa inaasahang masamang lagay ng panahon dulot ng Bagyong #UwanPH, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ang suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City sa Lunes, November 10, 2025.
Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masiguro ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.




