WALANG PASOK | Base sa DepEd Order No. 37 Series of 2022 at rekomendasyon ng QC Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC), SUSPENDIDO ang pasok bukas, November 11, 2024 sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City bunsod ng itinaas na Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ng PAGASA sa Metro Manila dahil sa bagyong #NikaPH.
Suspendido rin ang pasok sa mga Child Development Center sa lungsod.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.