#WALANGPASOK | Alinsunod sa DepEd Order No. 37, s. 2022 at Local Government Memorandum Circular No. 10-A s. 2022, walang pasok sa mga pampublikong paaralan mula kindergarten hanggang Senior High School sa Quezon City ngayong araw, Sabado, November 16, 2024.

Dahil ito sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 na itinaas sa Metro Manila dahil sa bagyong #PepitoPH na inilabas ng PAGASA kaninang 11:00PM.

Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS ay nasa pagpapasya ng pamunuan ng eskwelahan, pero para sa kaligtasan ng mga guro at estudyante, hinihikayat ang mga ito na sundin ang national o localized suspension.

Base sa CHED Order no. 15, otomatikong suspendido ang klase sa kolehiyo o higher education institutions kapag itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.

#StaySafeQC