#WALANG PASOK Dahil sa inaasahang 40 degrees Celcius Heat Index ngayong araw, March 4, 2025 inirekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) na suspendido ang face to face classes sa mga pampublikong paaralan mula Daycare, Kindergarten hanggang Senior High School sa Quezon City ngayong araw.
Inaatasan ng DepEd ang mga eskwelahan na magpatupad ng alternative learning delivery modes.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.
Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at KOLEHIYO ay nasa pagpapasya ng pamunuan ng eskwelahan, pero para sa kaligtasan ng mga guro at estudyante, hinihikayat ang mga ito na sundin ang national o localized suspension.
