JUST IN

#WALANGPASOK | Naglabas ang DOST- PAGASA ng Weather Bulletin ngayong 11:26 AM, October 22, 2024 at itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1.

Alinsunod sa DepEd Order 37, otomatikong suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School sa mga pampublikong paaralan tuwing nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no.1, 2, 3, 4 o 5.

Ayon sa DepEd, kung itinaas ang TCWS oras na nakapagsimula na ng klase, kailangang suspendihin ang klase at trabaho sa paaralan, at pauwiin ang lahat kung ligtas itong gawin.

Subalit obligado ang mga eskwelahan na panatilihin sa campus ang mga estudyante at personnel kung delikadong bumiyahe.

ANG POST NA ITO AY GABAY LAMANG SA MGA HINDI PA NAKAKAALAM NG BAGONG ADVISORY NG PAGASA.

Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at KOLEHIYO ay nasa pagpapasya ng pamunuan ng eskwelahan, pero para sa kaligtasan ng mga guro at estudyante, hinihikayat ang mga ito na sundin ang national o localized suspension.

Inaatasan ng DepEd ang mga eskwelahan na magpatupad ng alternative learning modes.

#StaySafeQC