Alinsunod sa anunsyo ng Malacañang, suspendido ang pasok sa mga tanggapan ng Quezon City Hall ngayong Miyerkules, August 28, 2024 dahil sa patuloy na sama ng panahon dulot ng #Habagat.
Patuloy namang kikilos ang mga naghahatid ng serbisyong medikal, law enforcement, traffic management, disaster at emergency response, at iba pang essential services.
Ipinapaubaya rin sa pamunuan ng mga pribadong kumpanya at opisina ang desisyon kung sususpendihin ang kanilang operasyon.