CLASS SUSPENSION
September 17, 2024 | As of 6:13 AM
#WALANGPASOK | Alinsunod sa DepEd Order No. 37, s. 2022 at Local Government Memorandum Circular No. 10-A s. 2022, walang pasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan mula Daycare hanggang Senior High School sa Quezon City ngayong September 17, 2024.
Dahil ito sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa bagyong #GenerPH na inilabas ng PAGASA kaninang 5AM.
Base sa CHED Order no. 15, otomatikong suspendido ang klase sa kolehiyo o higher education institutions kapag itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.