Upang mapalakas ang kahandaan ng lungsod sa posibleng epekto ng lindol, nagsagawa muli ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ng Walk the Fault activity.
Katuwang ang mga kinatawan mula sa City Engineering Department at Department of Building Official, sinuri ng QCDRRMO team ang mga kalsada at gusaling matatagpuan sa kahabaan ng West Valley Fault.
Naglagay din ng mga marker upang malinaw na matukoy ang fault line sa iba-ibang bahagi ng lungsod.
Saklaw ng West Valley Fault ang ilang barangay sa lungsod tulad ng Bagong Silangan, Batasan Hills, Matandang Balara, Pansol, Blue Ridge B, Libis, Bagumbayan, White Plains, at Ugong Norte.
Laging handa ang Quezon City sa pagpapatupad ng mga programang para sa kaligtasan ng bawat QCitizen.










