KYLE KUZMA SA QC! 🏀⛹️

Umabot sa 80 QCitizen young athletes ang sumailalim sa sports clinic na hatid ni Washington Wizards player Kyle Kuzma sa Belarmino Sports Complex ngayong araw.

Nais ni Kuzma na maibahagi ang kanyang talento sa mga kabataang basketball players ng lungsod.

Katuwang ang local coaches sa bansa, sumailalim ang mga kabataan sa drills tulad ng warm-up, offense and shooting, closeout and defensive drills, at tamang handling at pagpasa ng bola.

Nakalaro rin ng young athletes si Kuzma bilang bahagi ng basketball camp.

Dumalo sa programa sina Vice Mayor Gian Sotto kasama ang kanyang pamilya, Quezon City Sports Action Officer Benjamin Afuang, SK Federation President Coun. Sami Neri, D3 Action Officer Atty. Tommy de Castro, QC Public Affairs and Information Services Department Head Engelbert Apostol, Stradcom President Anthony Quiambao, at Migs Bustos bilang Camp Director.

+46