Upang malaman ang best pactices ng Rishon LeZion sa Israel, nakipagpulong si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga opisyal ng munisipalidad.
Una na dito sina Mr. Ilan Refaeli, Head of Environment Administration at Mrs. Tali Kaplan Finish, Director of Sustainability and Enivornmental Quality Department na nagbahagi ng sistema ng waste disposal management sa lungsod.
Ayon kina Refaeli at Finish, gumagamit ang pamahalaan ng Rishon LeZion ng makabagong teknolohiya upang masiguro ang maayos na solid waste disposal management. Sa pamamagitan ng cctvs at artificial intelligence, nalalaman ng lungsod kung tama ang pagkolekta ng basura ng kanilang service provider.
Ibinahagi naman ni Mrs. Ma’ayan Palach-Sadeh, member ng City Council Smart Portfolio, ang online at appointment scheduling system para sa mas mabilis at madaling transaksyon sa pamahalaan.
Gaya ng QC e-Services, malaki ang naitulong ng online system sa Rishon LeZion lalo na noong panahon ng pandemya.
Ipinakita rin ni Mr. Moti Nahmani, CEO ng Rishon LeZion Security & Public Order Municipal Co. Ltd., ang kanilang makabagong call center kung saan agarang nabibigyan ng serbisyo ang mga mamamayan. Kabilang dito ang emergency, search and rescue at iba pang public order and safety concerns.
Ibinida nila ang kanilang command center na gumagamit ng pinakamahusay na Geographic Information System (GIS) sa buong Israel.
Kasama sa mga naging pagpupulong sina QC Administrator Michael Alimurung, QC Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margarita Santos at QC Engineering Department Head Atty. Dale Perral.













