Kinilala ang QC Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) bilang isa sa mga Water Warrior Awardees for Advocacy Leadership ng Maynilad Water Services, Inc., National Water Resources Board, at Department of Environment and Natural Resources.
Tinanggap ni CCESD Head Andrea Villaroman ang pagkilala sa seremonya na ginanap sa World Water Day Philippines Award 2023 sa SMX Convention Center.
Nauna nang pinarangalan ng award-giving body si Mayor Joy Belmonte noong 2021 dahil sa pagsisiguro ng water sufficiency para sa tatlong milyong residente ng lungsod.
Noong 2019, naglabas ng memorandum circular si Mayor Joy sa mga departamento para sa wasto at matipid na paggamit ng tubig. Ina-assess na rin ng lungsod ang mga city-owned building at mga paaralan na maaaring pagtayuan ng rainwater harvesting system at water storage tanks.
