Sa Quezon City, hindi magtatagumpay ang mabisa at inklusibong climate action kung wala ang mga kababaihan.
Nagtipon ang mga kababaihang QCitizen mula sa iba-ibang barangay at organisasyon sa ginanap na We Think Green: Women in Climate Action Summit sa QC M.I.C.E. Center.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang pagkakaugnay ng usapin ng kasarian at kalikasan.
Ayon sa alkalde, kapag isinaalang-alang ang kapakanan ng mga kababaihan, mas maayos na makakabuo at makakapagpatupad ng mga polisiya para sa kalikasan.
Mas matitiyak ang pagbabago at pag-unlad kapag inklusibo at naaayon sa pangangailangan ng mga mamamayan ang mga bubuuing programa.
Nagsilbing keynote speaker si UN Women in Asia Pacific Programme Coordinator for Gender and Climate Action Athena Denise Galao.
Bilang simbolo ng pakikiisa sa pangangalaga ng kapaligiran, lumagda ang alkalde sa commitment pledge, kasama sina UN Women Peace and Humanitarian Action Specialist Catherine Galang-Torres, Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman, at QC Gender and Development Council Office Head Janete Oviedo.
Nagkaroon din ng high-level panel discussion sa programa na dinaluhan ni Majority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente, at talakayan tungkol sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, at trabaho.




