Dahil sa bahagyang paglihis at paghina ng bagyong #RollyPH, Ibinaba na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang buong Metro Manila. Asahan pa rin na may kalakasan ang ulan at hangin sa loob ng 12 oras.
Nakataas pa rin ang Red Alert sa ating lungsod kaya inaasahang mananatili sa mga evacuation center ang mga inilikas na residente sa buong magdamag.
Para sa emergency, tumawag sa:
• QC Hotline: 122
• Emergency Operations Center: 0916-630-6686, 0961-239-5097
• Emergency Medical Services/Urban Search and Rescue : 892-843-96 (landline); 0947-884-7498 (Smart) 0927-061-5592 (Globe)
Manatiling nakatutok sa weather updates mula sa PAGASA, Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council at social media accounts ng Quezon City government. Mag-ingat po tayong lahat sa bagyong #RollyPH.