UPDATE: As of 8:00 AM, nailikas na ang aabot sa 75 pamilya mula sa barangay Bagong Silangan, Tatalon, Doña Imelda, Apolonio Samson, at Roxas na nakatira sa low-lying areas.
Simula 5:30 AM, naka-Red Alert na ang buong Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council at hinihikayat ang publiko na mag-ingat sa posibleng epekto ng bagyo. Ipinatupad na rin ang forced evacuation sa mga low-lying barangays.
Maghanda at mag-ingat po tayong lahat lalo na ang mga nakatira sa landslide prone at low-lying areas.
Para sa emergency, tumawag sa:
• QC Hotline: 122
• Emergency Operations Center: 0916-630-6686, 0961-239-5097
• Emergency Medical Services/Urban Search and Rescue : 892-843-96 (landline); 0947-884-7498 (Smart) 0927-061-5592 (Globe)