Itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Metro Manila kaninang 8:00 ng umaga, kaya idineklara na ng Disaster Risk Reduction Management Office ang Yellow Alert sa buong Quezon City. Magpapatupad ng preemptive evacuation ang lokal na pamahalaan sa 23 na landslide-prone barangay, at sa anim na low-lying barangay simula mamayang hapon. Sa pulong kanina, inalerto na ni Mayor Joy Belomonte ang mga ahensya ng gobyerno.

Manatiling nakatutok sa ating Facebook page para sa update sa Bagyong Rolly at mahalagang anunsyo at mga hakbang ng inyong lokal na pamahalaan.

#RollyPH