Nagsimula na kahapon ang preemptive evacuation sa mga pamilyang nasa lugar na bahain sa anim na barangay. Habang patuloy na nasa Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 ang buong Metro Manila, itinaas na ng QCDRRMC at ng 142 Barangay DRRMC ang Red Alert kung saan FORCED EVACUATION na ang ipatutupad sa mga piling lugar na malapit sa slope o bahain na nasasakop ng mga sumusunod na barangay.

Naka-antabay na ang rescue teams ng lungsod sakaling kailanganin ang agarang evacuation.

Maghanda at mag-ingat po tayong lahat lalo na ang mga nakatira sa landslide prone at low-lying areas.

Para sa emergency, tumawag sa:
• Quezon City Hotline 122
• Emergency Operations Center: 0916-630-6686, 0961-239-5097
• Emergency Medical Services/Urban Search and Rescue : 892-843-96 (landline); 0947-884-7498 (Smart) 0927-061-5592 (Globe)