Ipatutupad ang preemptive evacuation ngayong hapon sa mga sumusunod na barangay na nasa Low Lying areas at Landslide Prone areas. Maagang kumilos ang lokal na pamahalaan para matiyak ang zero casualty sa buong lungsod.

Hinihikayat natin ang mga apektadong residente na makipagtulungan sa ating mga otoridad dahil ito ay para sa inyong kaligtasan.

Para sa emergency, tumawag sa 122 o sa QCDRRMO 8927-5914; 8928-4396.

#RollyPH