𝐖𝐄𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑 πˆππ…πŽπ‘πŒπ€π“πˆπŽπ:

Ang Bagyong “Aghon” ay bahagyang lumakas habang kumikilos sa kalupaan ng Sariaya, Quezon.

π— π—šπ—” 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗑:

*π™π™π™Šπ™‹π™„π˜Ύπ˜Όπ™‡ π™Žπ™π™Šπ™π™ˆ π˜Όπ™‚π™ƒπ™Šπ™‰

Ang sentro ng bagyong “AGHON” ay nasa paligid ng Sariaya, Quezon. Ito ay kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras. May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometro bawat oras at pagbugso na 125 kilometro bawat oras. Sa susunod na 12 oras, kikilos si AGHON sa lupain ng CALABARZON at Polillo Island. Inaasahang tatawid ang bagyo sa karagatan sa silangang baybayin ng Quezon o Aurora ngayong gabi o bukas ng madaling araw.

Source: DOST-PAGASA Tropical Cyclone Bulletin #18

π„ππ„πŠπ“πŽ 𝐒𝐀 ππ”π„π™πŽπ π‚πˆπ“π˜:

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal #1 sa Quezon City. Ngayong araw asahan na makakaranas ng katamtamang pagbigat na pag ulan, na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.