Sa QC, mas accesible at PWD-friendly ang digital services!
Nakatanggap ng Website Accessibility Certification ang Quezon City Government Website matapos makapasa sa web accessibility audit ng Adaptive Technology for Rehabilitation, Integration, and Empowerment of the Visually Impared, Inc. (ATRIEV).
Kinilala ng ATRIEV ang QC Government website (https://quezoncity.gov.ph) matapos nitong maabot ang pamantayan sa pagbuo ng de-kalidad, accessible, at user-friendly na website.
Naglagay din ng karagdagang accessibility tools ang Quezon City Public Affairs and Information Services Department (PAISD), na namamahala sa website. Ilan dito ang Color Contrast, Alt text, Text-to-Speech, at Chatbot.
Sa tulong ng mga ito, mas madali na para sa mga website visitors, partikular na sa mga Persons with Disabilities (PWD), na ma-navigate ang website at ma-access ang mga impormasyon at serbisyo ng ating lungsod.
Kamakailan lamang ay nagkamit din ng Gold Stevie Award ang Quezon City Government Website bilang Most Innovative Government Website.
Congratulations sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito!
