#WeLoveQuezonCityPH dahil matipid ang pamahalaang lungsod sa paggamit ng kuryente!
Nakatanggap ang Quezon City Government ng score na 99 over 100 sa isinagawang Energy Audit ng Department of Science and Technology at Department of Energy ngayong taon.
Malaking porsyento ng carbon emissions ng lungsod ay mula sa energy sector kaya patuloy ang pagsusulong ng lokal na pamahalaan ng mga programa tungkol sa energy efficiency and conservation.
Isinasagawa ang Energy Audit sa mga lungsod para matiyak na masinop na ginagamit ang electricity at fuel alinsunod sa Government Energy Management Program. Inikot ng inspeksyon team na binubuo ng DOST at DOE ang mga opisina ng pamahalaang lungsod upang i-assess ang paggamit nito ng kuryente.
May mga mungkahi ba kayo upang mas mapalawak pa ang energy efficiency and conservation programs ng QC? I-share niyo naman sa comment section gamit ang #WeLoveQuezonCityPH at ibahagi ang inyong mga ideya sa http://www.welovecities.org/city/quezon-city.
Tingnan ang gabay sa link na ito para i-boto ang QC sa We Love Cities Campaign ng World Wide Fund for Nature: https://www.facebook.com/QCGov/posts/pfbid02DpJdmrBdCXoKMhSEkD3aaEfJsvySPsCvracaSFRpBzpDZcpHBsCvwBHb3FkbAk7kl