WEST PHILIPPINE SEA, ATIN ITO! ![]()
![]()
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa ceremonial unveiling ng West Philippine Sea Fisherfolk Monument na matatagpuan malapit sa World Peace Bell sa Quezon Memorial Circle ngayong Linggo.
Bahagi ito ng selebrasyon ng ika-10 anibersaryo ng landmark arbitral victory ng Pilipinas sa United Nations Convention on the Law of the Sea, na kumililala sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.
Binuo ng artist na si Gary Rojas ang obrang naglalarawan sa bawat mangingisdang Pilipino na tinaguriang mga frontliners sa pagprotekta sa ating mga karagatan.
Ang bronze sculpture ay mayroon hawak na sagwan na sumisimbolo sa dignidad at pagiging makabayan ng mga mangingisdang Pilipino.
Kasama ni Mayor Joy sa paglulunsad ng bantayog sina Akbayan Partylist Representatives Cong. Chel Diokno at Cong. Dadah Ismula, former Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas, Atin Ito Co-convenor Edicio dela Torre, New Masinloc Fishermen Association President Nards Cuaresma, at mga fisherfolk leaders mula sa Zambales at Bataan.










