Simula 2015, miyembro na ng C40 Cities ang Quezon City. Ang C40 Cities ay samahan ng mga lungsod sa buong mundo na nagsusulong ng mga programa para matugunan ang malalang epekto ng climate crisis.

Sa halos isang dekadang pagiging bahagi nito, sa tulong ng C40 Cities, iba-ibang inisyatibo na ang nabuo ng lungsod tulad ng pagpapaganda ng kalidad ng hangin, at pagpapalakas sa komunidad para maging handa sakaling tamaan ng kalamidad.

Alamin kung paano tinutulungan ng C40 Cities ang iba-ibang bansa sa mundo na makabuo ng inklusibong programa para sa bawat mamamayan nang malabanan at masolusyunan ang mapanganib na epekto ng climate crisis.

#UnitedinAction #TayoAngQC #QC85th