MAY WOK IT OUT NA SA QC!
Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas ng kauna-unahang branch ng Wok It Out sa Quezon City na matatagpuan sa Ground Floor ng Farmers Market ngayong Sabado.
Abot-kaya ang mga Taiwanese meals nila na dimsum, dumpling, xiao long bao, hakaw, rice meals, at iba-ibang wonto at noodle soups.
Kasama ng alkalde sa pagtikim sa mga nagsasarapang putahe sina District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office head Mona Yap, store owners na sina Kremie Rodriguez, at Jessie Alcazar.
Tara QCitizens, suportahan ang bagong resto sa QC!




