OUTSTANDING WOMEN LEADERS!
Hinirang na Woman Leader in Water Award si Mayor Joy Belmonte sa idinaos na World Water Day Awards 2024 ng National Water Resources Board, Department of Environment and Natural Resources (DENR), at ng Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) ngayong araw.
Kinilala si Mayor Joy dahil sa kanyang advocacy sa environmental sustainability, aktibong kampanya para sa responsableng paggamit ng tubig, at pagpapatupad ng mga polisiya ukol sa water conservation and security ng Lungsod Quezon.
Kinilala rin ang proyekto ng lokal na pamahalaan na paglalagay ng mga rainwater harvesters sa mga city-owned building na napakikinabangan ng higit sa 1,000 urban farms sa lungsod.
Kasama ng Alkalde na ginawaran ng parangal sina DENR Sec. Antonia Loyzaga, Metropolitan Waterworks and Sewerage System Administrator Leonor Cleofas, Department of Finance Usec. Catherine Fong, at Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan.
Pinarangalan din ng Water Warrior Award for Advocacy Leadership ng Maynilad si District 2 Councilor Mikey Belmonte.




