Nagtipon-tipon ang mga accredited women Civil Society Organizations ng Quezon City upang maghalal ng limang kinatawan na uupo bilang miyembro ng Gender and Development (GAD) Council mula 2025-2028.
Kabilang sa limang nahalal ang mga kinatawan mula sa Women’s Action for Integrity and Success (W.A.I.S), Kapisanang Aagapay sa Isinusulong na Serbisyong Angkop sa Kababaihan (KAISAKA), Ladies Force Alliance Inc., Ladies Auxiliary Group Inc., at Quezon City Community Women Leaders Federation (QCCWLEAF).
Sila ang magsisilbing katuwang ng lungsod sa paghubog ng gender-responsive policies, paggabay sa GAD planning and budgeting, pagmomonitor ng pagpapatupad ng GAD Code at iba pang programa para sa karapatan at kapakanan ng kababaihan.
Pinangunahan ng Barangay and Community Relations Department at GAD Council ang proseso ng eleksyon.








