Isa si Mayor Joy Belmonte sa mga naging speaker sa plenary discussion ng Women Deliver 2026 Conference na may paksang “Building Economies that Deliver Care, Public Services and Shared Responsibilities.”
Ibinahagi ng alkalde ang mahalagang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatibay ng care infrastructure—mula sa pagpapalakas ng mga serbisyong panlipunan hanggang sa pagpapatupad ng mga programang sumusuporta sa kababaihan at pamilya.
Kasama rin sa plenaryo sina Jaliyah Rock – Youth Activist and Adolescent Girl leader, Susan Thomas – Self Employed Women’s Association, at Antoinette Braybrook na CEO ng Djirra na nagbahagi ng kani-kanilang pananaw upang maisulong ang mas inklusibo at patas na mga sistema para sa lahat.
Sa harap ng mga delegado mula sa iba-ibang panig ng mundo, kabilang ang mga funders, NGOs, at mga tagapagtaguyod ng karapatan ng kababaihan at mga kabataan, tinalakay nila na kapag kulang ang pondo sa pampublikong serbisyo, ang pasanin ay kadalasang napupunta sa loob ng tahanan, lalo na sa kababaihan.
Nanggaling sa Melbourne, Australia si Mayor Joy kasama si QC Gender and Development Council Office (GAD) Head Janete Oviedo para dumalo sa City Hub and Network for Gender Equity (CHANGE) Global Summit 2026 and Women Deliver Conference.










