Ibinahagi ng Quezon City Government sa mga mag-aaral at civil society organizations ang iba-ibang programa ng lungsod para siguraduhing inklusibo para sa lahat ang bawat programa ng lokal na pamahalaan, lalo na sa mga kababaihan at kabataan.
Sa keynote speech ni Mayor Joy Belmonte sa #Women2023: Women Forging the Digital Future ngayong hapon, binigyang-diin ng alkalde kung paano nakakatulong ang digitalization sa paglalapit ng serbisyo at programa sa mga QCitizen. Tinukoy din niya na bagamat may mga panganib, mas lamang ang pakinabang sa makabagong teknolohiya.
Naging panelist din sa programa, sa ilalim ng temang “Being Techy for Equity”, si Business Permits and Licensing Department Head Ma. Margarita Santos kasama sina Manuel L. Quezon Gawad Parangal 2023 awardee at Rags2Riches President and Founding Partner Reese Fernandez-Ruiz, at Chief GAD Specialist ng PCW-North Mindanao Field Office Atty. Khristine Kay M. Lazarito Calingin.
Ang #Women2023: Women Forging the Digital Future ay inorganisa ng Spark! Philippines, US Embassy to the Philippines, at Embassy of France in the Philippines and Micronesia. Dinaluhan ito nina US Ambassador to the Philippines Her Excellency MaryKay Loss Carlson, French Ambassador Her Excellency Michèle Boccoz, Sen. Loren Legarda, Sen. Risa Hontiveros, Spark! Philippines Executive Director Maica Teves, at iba ang kababaihan na namayagpag sa kani-kanilang larangan at adbokasiya sa tulong ng teknolohiya.