Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
ABANTE, BABAE SA D6! ![]()
Nakiindak sina Mayor Joy Belmonte at District 6 Rep. Marivic Co-Pilar kasama ang libo-libong kababaihan ng distrito bilang bahagi ng pagdiriwang sa Buwan ng Kababaihan ngayong Marso.
Kinilala rin sa Gawad Marangal na Paglilingkod 2026 ang mga natatanging kababaihan sa distrito na nagpamalas ng kanilang kahusayan sa iba-ibang kategorya.
Nakibahagi sa programa ang mga konsehal na sina Banjo Pillar, Ellie Juan, Vito Generoso, Kristine Matias, Cocoy Medina, Vic Bernardo, at mga punong barangay sa Distrito 6.










