Libo-libong kababaihan sa Lungsod Quezon ang nakiisa kasama nina Mayor Joy Belmonte at District 6 Rep. Marivic Co-Pilar sa kick-off celebration ng Women’s Month na idinaos sa kahabaan ng Himlayan Road sa Barangay Pasong Tamo ngayong araw.
Sa talumpati ni Mayor Joy, binigyang-diin niya na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay magpapatuloy ang lokal na pamahalaan na isulong ang mga karapatan at kaligtasan ng bawat kababaihang QCitizens.
Dumalo rin sa selebrasyon sina Kiko Pangilinan, Ben Tulfo, District 6 Councilors Ellie Juan, Kristine Matias, Banjo Pilar, Vito Generoso, Vic Bernardo, Cocoy Medina, RJ Belmonte, Action Officer Atty. Mark Aldave, at mga punong barangay ng distrito.
Maligayang Buwan ng Kababaihan, QC!




