Bumisita sa QC Kabahagi Center ang 30 delegado ng Workability Asia, mula sa Japan, Taiwan, Macau, India, at Pilipinas.
Layon nilang matutunan ang mga programa ng Center para sa mga children with disability (CWDs) at kanilang mga pamilya.
Nagbahagi rin ang mga lider ng Kabahagi Parent Advocates Organization (KPAO) ng kanilang mga kwento at produkto ng kanilang organisadong social enterprises.
Ang Workability Asia ay network ng mga organisasyon sa Asia na active sa inclusive education at livelihood para sa mga may taong may kapansanan.
Isinagawa ang kanilang annual conference nitong September 22-24 sa Novotel Manila Araneta City, at bahagi ang pagbisita nila sa Kabahagi Center sa industry visit, para sa sharing ng best practices at benchmarking sa mga kilalang modelo ng disability-inclusive programs sa Pilipinas.








